Plastic Dental Bridge

This is a 6 unit acrylic crown and bridge (also known as plastic dental bridge). 4 ang ngipin na wala. 2 cuspids o pangil ang kinakapitan ng nasabing pustiso.
Kadalasan itong ginagawa para sa pasyente bilang pansamatala (temporary o provisional restoration). O dahil sa pinansyal na rason, dahil mas mura ang plastic crown & bridge kaysa porcelain dental bridge.
Ang plastic na fixed dental bridge ay madaling kapitan ng dumi, madaling umitim, mabaho kapag tumagal sa bibig at hindi ito madaling makita sa dilim lalo na sa mga litrato. Nagmumukhang bungi ang pasyente sa litrato. Ang kalidad ng estetik ng acrylic o plastic fixed partial denture ay mababa kumpara sa ceramic dental bridge.